Saturday, July 30, 2011

WIKANG FILIPINO: PARA SA PAGBABAGO


Sari-saring katiwalian ang umuusbong sa ating lipunan
Gawaing nakasisira ng bansang ating pinakaiingatan
Minumulat ang mga bagong silang na kabataan sa maduming patakaran
Ano kaya ang mangyayari sa ating kinabukasan?

Kikilabutan ang makababatid sa ating sinasapit
Sapagkat maraming naghaharing puri dito sa lupa na umaastang nasa langit
Ah! Labis-labis na pagdurusa’t paghihinagpis ang nakakamit
Sa kaguluhang bunga ng sandosenang sa posisyo’y ganid.

Noon pa ma’y ganiyan na ang simula
Sapagkat hinayaan nating pasukin tayo at may magmanipula
Hinayaan nating ankinin tayo ng taga ibang lupa
At hindi man lang napakinggan ang hinaing ng isang nagdurusa

Dalawang kamay ay itinataas upang sumuko
Ang buong pagkatao sa mga taong umaabuso
Hanggang kelan ba tayo magbubulag-bulagan
Sa ginagawa sa atin ng mga gahaman?

Ang kailangan natin ay pagbabago! Imulat ang mata sa pagbabago!
Sapagkat tulad din yan ng nangyayari sa ating wikang Filipino!
Panisinin mo ang nangyayari sa wikang sinasalita mo
Binabalewala,sinasayang at hinahayaan lamang ito.

Gamitin natin ang wikang filipino sa pag-abot ng ating mga pinapangarap
Sa pagkakaisa at sa pag-angat ng ating bansang lugmok na sa hirap
Hindi lang naman ito para sa ating pagkakakilanlan
Ito ay magiging daan ng ating pagkakaunawaan

Tunay na ang Pilipinas ay nagbulag-bulagan
Ngunit dahil may wika, muli tayong lalaban!
Sandata ito para sa ating muling pag-angat
Babangon tayo.. muli tayong babangon... at sasabayan natin ang araw na sisikat.

Wikang filipino.. gawin nating instrumento ng pagbabago..
Ito’y para sa ating lahat.. lahat ng Pilipino
Sapagkat ito’y ating ilaw na gagabay sa ating landasin..
Ito’y lakas na ating dadalhin...

No comments:

Post a Comment