Sunday, August 12, 2012

PARUPARONG BUKID

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.


Kanina, habang pinapasuri sa amin ng prof ko ang awiting bayan na ito, nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. pagkat mula pagkabata, ang alam ko lang eh tungkol sa paruparo ito... ngunit nagkamali ako. Dahil sa kantang ito, naturuan kami ni sir na magkaroon ng kritikal na pag-iisip at  wag sabihing alam na ang isang bagay, sabi nga niya, HOW DID YOU KNOW THAT YOU KNOW? Panalo ka talaga sa galing Amang JCR.

No comments:

Post a Comment