Wednesday, November 2, 2011
its been a long time!
ngayon lang ulit naharap ang blogspot! kailangan ko na talaga mag-update. hintayin niyo ang mga kwentong ipopost ko.. mga tula at mga mensahe ng puso. :)
Saturday, July 30, 2011
WIKANG FILIPINO: PARA SA PAGBABAGO
Sari-saring katiwalian ang umuusbong sa ating lipunan
Gawaing nakasisira ng bansang ating pinakaiingatan
Minumulat ang mga bagong silang na kabataan sa maduming patakaran
Ano kaya ang mangyayari sa ating kinabukasan?
Kikilabutan ang makababatid sa ating sinasapit
Sapagkat maraming naghaharing puri dito sa lupa na umaastang nasa langit
Ah! Labis-labis na pagdurusa’t paghihinagpis ang nakakamit
Sa kaguluhang bunga ng sandosenang sa posisyo’y ganid.
Noon pa ma’y ganiyan na ang simula
Sapagkat hinayaan nating pasukin tayo at may magmanipula
Hinayaan nating ankinin tayo ng taga ibang lupa
At hindi man lang napakinggan ang hinaing ng isang nagdurusa
Dalawang kamay ay itinataas upang sumuko
Ang buong pagkatao sa mga taong umaabuso
Hanggang kelan ba tayo magbubulag-bulagan
Sa ginagawa sa atin ng mga gahaman?
Ang kailangan natin ay pagbabago! Imulat ang mata sa pagbabago!
Sapagkat tulad din yan ng nangyayari sa ating wikang Filipino!
Panisinin mo ang nangyayari sa wikang sinasalita mo
Binabalewala,sinasayang at hinahayaan lamang ito.
Gamitin natin ang wikang filipino sa pag-abot ng ating mga pinapangarap
Sa pagkakaisa at sa pag-angat ng ating bansang lugmok na sa hirap
Hindi lang naman ito para sa ating pagkakakilanlan
Ito ay magiging daan ng ating pagkakaunawaan
Tunay na ang Pilipinas ay nagbulag-bulagan
Ngunit dahil may wika, muli tayong lalaban!
Sandata ito para sa ating muling pag-angat
Babangon tayo.. muli tayong babangon... at sasabayan natin ang araw na sisikat.
Wikang filipino.. gawin nating instrumento ng pagbabago..
Ito’y para sa ating lahat.. lahat ng Pilipino
Sapagkat ito’y ating ilaw na gagabay sa ating landasin..
Ito’y lakas na ating dadalhin...
Sunday, July 17, 2011
Friday, July 8, 2011
tula para sa darating kong pag-big
Hindi pa man kita kilala
Hindi pa man kita nakikita
Hindi ko man alam kung sino ka at kung anong meron ka
Pero sa aking gunita ay pilit kitang kinikilala
Dahil sabik na akong ika'y makasama
Dahil Ikaw nalang ang kulang sa aking buhay
upang iwanan ang aking pagkabata...
itsura mo'y ano kaya?
ugali mo ba'y tulad kong ugaling bata?
Hilig mo ba'y magpakasaya?
Hay... nais na kitang makilala...
Kailan ka ba magpapakita?
kailan ka ba magpaparamdam?
Kailan mo ba ako haharapin?
Para sana'y ika'y di ko na hanapin..
Nasasabik na akong makasama ka
Nasasabik na akong mayakap ka
nasasabik akong makita ka
nasasabik na akong.... Mahalin ka!
Buong puso kitang mamahalin..
Ipangako mo lang na di mo sasaktan ang aking damdamin..
Monday, July 4, 2011
ANG KABAYO AT ANG MANGANGALAKAL
mula sa www.katig.com
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.
Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa
Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:
"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.
Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.
"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay
magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak na naging mas mabigat pa keysa sa dalawang
sakong asin.
gawain:

Sunday, June 19, 2011
Sino ka ba?
“ Sino ka ba? Sino nga ba siya?
Isang Adonis na anghel ang mukha
Ano bang pangalan, anong kagustuhan
Nais na kitang muling Makita pa..
Pana ni kupido’y tumarak na
Puso ko’y pinatibok nang sobra
Sino nga ba siya? Anong meron siya?
At puso ko’y muling pinasaya"
Wednesday, June 1, 2011
mahal kita...pero maling mahalin ka...
Puso ko'y tumitibok ng sobrang bilis
pag ika'y aking nakikita
labi ko'y patuloy sa pag ngiti
pag ika'y aking nakakasama
Alam kong ika'y minamahal
subalit alam kong ito'y kamalian
sapagkat ang tulad mo'y di maaaring maging akin
dahil ako at ikaw ay kapwa nasa iisang lakbayin...
kung maaari ko lang sanang agawin
ang iyong puso't habambuhay na angkinin
ngunit kahit anong gawin...
hindi ka maaaring maging akin...
mahal kita...pero maling mahalin ka!
Saturday, May 21, 2011
Salamat.. last song ng iisang langit!
Salamat sa iyong pag-aalaga
At patuloy na pag-aalala
Kahit alam kong ika’y nasasaktan
Binigay mong lahat at di ako iniwan
Kung aking maibabalik at masuklian lahat
Ngunit kahit anong aking gawin
Alam kong ito’y hindi sapat
Ito lamang ang pangako ko
Buong buhay ko’y iyo…
Ikaw ang siyang pangarap ko
Puso ko’y iyong iyo
Iingatan ka at ipagmamalaki
Aalagaan ka parati
Ako’y iyo, ika’y akin
Wala nang makababawi..
puting watawat
Sinisilayan ko ang kukang liwayway
ang kagandahan ng pagsikat ng araw
ang walang katapusang pag-awit ng ibon ay aking pinakikinggan
ang bawat kalansing ng naglalaglagang dahon mula sa puno
at ang hamog na dulot ng katahimikan ng gabi
ay bumabalot sa aking katawan.
subalit isang madilim na ulap
ang tumakip sa kagandahan ng araw na aking sinisilayan
isang malakas na hangin ang humagupit at tumalo sa hamog
na nagpalakas ng kalansing ng mga dahon sa puno
napalitan ng isang malakas na pagkulog at pagkidlat
ang magandang awit ng mga ibong aking pinakikinggan
tuluyan nang nabalot ng ng dilim ang kalawakang tahimik
ngayo'y nagngangalit, ngayo'y nag-iinit
tuluyan nang nilupig ng ulap ang araw na nagpupumilit sumikat
ngayo'y lumuluha, ngayo'y nagmamakaawa
batid ko ang hirap ng araw sa pakikipaghidwaan
upang bigyan ako ng liwanag
batid ko ang pagpapakasakit ng mga ibong
nais akong awitan
batid ko ang pag-iwas ng mga dahong
wag magsihulog upang hintayin ang umaga
batid ko ang pagkayamot ng hamog
sa pagpalit sa kanya ng makapangyarihang hangin...
kailan hihinto ang kanilang pag-hihirap?
kailan ko itataas ang PUTING WATAWAT?
Saturday, May 7, 2011
nakakalungkot na sitwasyon... nakakaiyak na pagkakataon
Minsan, hindi natin naiisip ang kahalagahan ng tao sa atin. lalo na pag kasama natin sila. Syempre, dahil alam nating nandyan lang sila sa tabi-tabi, nakagagawa tayo ng ikasasakit ng kalooban nila.
Patunay lamang na tayo ay hindi aware sa kinikilos natin. May mga bagay tayong nasasabi na hindi natin intensyon at nakasasakit sa damdamin ng iba.
may mga bagay naman tayong nais makuha, pero hindi magawang makuha sapagkat may mga humahadlang.
may mga bagay naman na pwede mo naman makuha, pero hindi mo alam bakit hindi mo naman maabot.
nakaklungkot ang sitwasyong ganito. isang IRONY ng buhay.nakakaiyak, dahil alam mong may magagawa ka, pero hindi alam kung paano ito gawin.

Subscribe to:
Posts (Atom)