Sunday, June 19, 2011

ouch

ano mafifeel mo kung hindi mo pangalan yung nasa RS status ng taong gusto mo? sakit diba?

Sino ka ba?



“ Sino ka ba? Sino nga ba siya?

        Isang Adonis na anghel ang mukha
            Ano bang pangalan, anong kagustuhan
      Nais na kitang muling Makita pa..
 Pana ni kupido’y tumarak na
    Puso ko’y pinatibok nang sobra
            Sino nga ba siya? Anong meron siya?
       At puso ko’y muling pinasaya"

Wednesday, June 1, 2011

mahal kita...pero maling mahalin ka...

Puso ko'y tumitibok ng sobrang bilis
pag ika'y aking nakikita
labi ko'y patuloy sa pag ngiti
pag ika'y aking nakakasama
Alam kong ika'y minamahal
subalit alam kong ito'y kamalian
sapagkat ang tulad mo'y di maaaring maging akin
dahil ako at ikaw ay kapwa nasa iisang lakbayin...
kung maaari ko lang sanang agawin
ang iyong puso't habambuhay na angkinin
ngunit kahit anong gawin...
hindi ka maaaring maging akin...

mahal kita...pero maling mahalin ka!