Saturday, May 21, 2011

Salamat.. last song ng iisang langit!

                         Salamat sa iyong pag-aalaga
                        At patuloy na pag-aalala
                        Kahit alam kong ika’y nasasaktan
                        Binigay mong lahat at di ako iniwan

                        Kung aking maibabalik at masuklian lahat
                        Ngunit kahit anong aking gawin
                        Alam kong ito’y hindi sapat

                        Ito lamang ang pangako ko
                        Buong buhay ko’y iyo…
                        Ikaw ang siyang pangarap ko
                        Puso ko’y iyong iyo
                        Iingatan ka at ipagmamalaki
                        Aalagaan ka parati

                         Ako’y iyo, ika’y akin
                         Wala nang makababawi..

puting watawat


Sinisilayan ko ang kukang liwayway
ang kagandahan ng pagsikat ng araw
ang walang katapusang pag-awit ng ibon ay aking pinakikinggan
ang bawat kalansing ng naglalaglagang dahon mula sa puno
at ang hamog na dulot ng katahimikan ng gabi 
ay bumabalot sa aking katawan.

subalit isang madilim na ulap
ang tumakip sa kagandahan ng araw na aking sinisilayan
isang malakas na hangin ang humagupit at tumalo sa hamog
na nagpalakas ng kalansing ng mga dahon sa puno
napalitan ng isang malakas na pagkulog at pagkidlat
ang magandang awit ng mga ibong aking pinakikinggan

tuluyan nang nabalot ng ng dilim ang kalawakang tahimik
ngayo'y nagngangalit, ngayo'y nag-iinit
tuluyan nang nilupig ng ulap ang araw na nagpupumilit sumikat
ngayo'y lumuluha, ngayo'y nagmamakaawa

batid ko ang hirap ng araw sa pakikipaghidwaan
upang bigyan ako ng liwanag
batid ko ang pagpapakasakit ng mga ibong
nais akong awitan
batid ko ang pag-iwas ng mga dahong
wag magsihulog upang hintayin ang umaga
batid ko ang pagkayamot ng hamog
sa pagpalit sa kanya ng makapangyarihang hangin...

kailan hihinto ang kanilang pag-hihirap?
kailan ko itataas ang PUTING WATAWAT?

Saturday, May 7, 2011

nakakalungkot na sitwasyon... nakakaiyak na pagkakataon

Minsan, hindi natin naiisip ang kahalagahan ng tao sa atin. lalo na pag kasama natin sila. Syempre, dahil alam nating nandyan lang sila sa tabi-tabi, nakagagawa tayo ng ikasasakit ng kalooban nila.
Patunay lamang na tayo ay hindi aware sa kinikilos natin. May mga bagay tayong nasasabi na hindi natin intensyon at nakasasakit sa damdamin ng iba.
may mga bagay naman tayong nais makuha, pero hindi magawang makuha sapagkat may mga humahadlang.
may mga bagay naman na pwede mo naman makuha, pero hindi mo alam bakit hindi mo naman maabot.
nakaklungkot ang sitwasyong ganito. isang IRONY ng buhay.nakakaiyak, dahil alam mong may magagawa ka, pero hindi alam kung paano ito gawin.