Tuesday, September 27, 2016

🚬

Sigarilyo:
Kailangan ng nabubuang na puso!

Nagkatotoong dula.

(Huling bahagi ng dula na sinulat at tinanghal namin ni Rod sa PETA summer workshop)


ANDREW
Ganun talaga kapag mahal mo, gagawin mo lahat para sumaya siya. Dahil wala nang sasaya pa kapag nakita mo yung mga mata niyang kumikislap sa sobrang saya.


DIANE
Na kahit ano pang pag-awayan niyo. Sa huli ikaw ang unang mag-sosorry, tapos magbibiro. Just to break the ice.


ANDREW
Na kahit na-ooffend ka na minsan sa biro niya. Gaganti ka din ng biro para lang hindi nalang lumaki.

DIANE
Kasi kapag mahal mo, kaya mong magsakripisyo para sa kanya.

ANDREW
Kapag mahal mo, kahit na nasasaktan ka na, okey lang. kasi mahal mo.

DIANE
Kapag mahal mo, okay lang na masayang lahat ng oras mo, yung pagod mo, para sa kanya.

ANDREW
At kapag mahal mo, kahit pa mahal na mahal mo siya, kapag alam mong mas sasaya siya sa iba, kailangan mong mag let go.

(katahimikan, iabot ang singsing, magyayakap)

ANDREW
Darating din ‘yang Mr. Right mo.


Martir!

Masukista nga ako.
Alam ko na ngang masasaktan ako eh.
Pero go lang.
Suportahan siya.
Mahal ko eh.
Mahal na mahal.
Kahit na iba na mahal niya papakatanga nalang ako.
Papakamartir.
Oo sobrang nasasaktan ako sa ginagawa ko. Dinudurog ko na nga puso ko eh.
Araw-araw.
Ang sakit-sakit pala talaga.
Pero ayos na to.
Para sa ikaliligaya niya.
Sana mawalan nalang ako ng puso.
O kaya sana mawala nalang ako.

Kapag di ka na mahal ng mahal mo... pakamatay ka nalang! Hahaha.

Monday, September 26, 2016

Singsing.


Kung...

Kung maibabalik ko lang ang pagkakataon
Sana ay nasa akin ka pa ngayon
Kung hindi ako nagpakatanga noon
Tayo pa rin sana hanggang ngayon.

Tinatawag kita pero ayaw mong lumingon
Hinahabol kita pero tumatakbo ka pa rin palayo
Tuluyan na ngang naging bato ang puso mo
Dahil sa skait na naidulot ko.

Gusto kong ipakita na ako'y nagbago na
Na hindi ka na masasaktan pa
Na buong-buo, ako'y sayo
Na wala akong ibang gusto,maliban sayo.

Ngunit alam kong huli na
Pagkat mahal mo'y iba na
Wala ng pag asa pa
Na bumalik ang pagmamahal mo sa akin,sinta

Gabi-gabi akong umiiyak
Di makatulog pagkat iniisip ka
Ipinagdarasal na sana bumalik ka
Pero alam kong wala na talaga.

Dalangin ko na sana huwag ka na muling masaktan
At sana ikaw ay alagaan
Maging masaya ka sa piling ng iba
Higit pa sa pagmamahal ko, ibigay niya sayo sana

mahal kita,mahal na mahal
Eala ng hihigit pa sayo,kailanman
Ngunit Kailangan kong makalimot at makalimutan
Kaya ang aking solusyon ay tanging biglaang kamatayan!

I just...



Di ko na kailangang gawin ito,
Kasi ung puso ko, patay na!
Pinatay na ng pangyayari.