Monday, September 26, 2016

Kung...

Kung maibabalik ko lang ang pagkakataon
Sana ay nasa akin ka pa ngayon
Kung hindi ako nagpakatanga noon
Tayo pa rin sana hanggang ngayon.

Tinatawag kita pero ayaw mong lumingon
Hinahabol kita pero tumatakbo ka pa rin palayo
Tuluyan na ngang naging bato ang puso mo
Dahil sa skait na naidulot ko.

Gusto kong ipakita na ako'y nagbago na
Na hindi ka na masasaktan pa
Na buong-buo, ako'y sayo
Na wala akong ibang gusto,maliban sayo.

Ngunit alam kong huli na
Pagkat mahal mo'y iba na
Wala ng pag asa pa
Na bumalik ang pagmamahal mo sa akin,sinta

Gabi-gabi akong umiiyak
Di makatulog pagkat iniisip ka
Ipinagdarasal na sana bumalik ka
Pero alam kong wala na talaga.

Dalangin ko na sana huwag ka na muling masaktan
At sana ikaw ay alagaan
Maging masaya ka sa piling ng iba
Higit pa sa pagmamahal ko, ibigay niya sayo sana

mahal kita,mahal na mahal
Eala ng hihigit pa sayo,kailanman
Ngunit Kailangan kong makalimot at makalimutan
Kaya ang aking solusyon ay tanging biglaang kamatayan!

No comments:

Post a Comment