Tuesday, September 27, 2016

Nagkatotoong dula.

(Huling bahagi ng dula na sinulat at tinanghal namin ni Rod sa PETA summer workshop)


ANDREW
Ganun talaga kapag mahal mo, gagawin mo lahat para sumaya siya. Dahil wala nang sasaya pa kapag nakita mo yung mga mata niyang kumikislap sa sobrang saya.


DIANE
Na kahit ano pang pag-awayan niyo. Sa huli ikaw ang unang mag-sosorry, tapos magbibiro. Just to break the ice.


ANDREW
Na kahit na-ooffend ka na minsan sa biro niya. Gaganti ka din ng biro para lang hindi nalang lumaki.

DIANE
Kasi kapag mahal mo, kaya mong magsakripisyo para sa kanya.

ANDREW
Kapag mahal mo, kahit na nasasaktan ka na, okey lang. kasi mahal mo.

DIANE
Kapag mahal mo, okay lang na masayang lahat ng oras mo, yung pagod mo, para sa kanya.

ANDREW
At kapag mahal mo, kahit pa mahal na mahal mo siya, kapag alam mong mas sasaya siya sa iba, kailangan mong mag let go.

(katahimikan, iabot ang singsing, magyayakap)

ANDREW
Darating din ‘yang Mr. Right mo.


No comments:

Post a Comment